LinkAla Eh BloggersFeb 1, '07 11:24 PM
for everyone
Link: http://ala-eh.blogspot.com/

Ano ga a-re?
Batangeny@ ka ga? May blogger account ka? Ay ano pa ang hinihintay mo? Pwedeng-pwede ka sumali dito. Ito ay blog ng mga Ala eh!

Simple laang naman ang gagaw-in mo. Sa bandang baba, may makikita kang subscription box para sa ating googlegroups. Ilagay lamang ang iyong email address at i-klik mo yung 'subscribe' button. Makakatanggap ka ng email at iyon na ang simula. Ay siya, subscribe na!

Pero para saan ga ito? Wala la-ang. Trip lang. hehe! Hindi... Layunin ng group blog na ito na pagbuklod-buklodin ang mga Batageny@ng Bloggers mula sa iba't-ibang panig ng daigdig. Naks!

Ipakilala natin ang Batangas sa pamamagitan ng blog na ito. Pwede kayong magpost ng kahit anong may kaugnayan sa Batangas at sa pagiging Batangeny@.

At para maging buhay ang blog na ito. Sana naman kahit isang beses isang buwan ay magpost ang bawat isa. Hindi naman pwershan, syempre. hehe!

Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help